Showbiz News

Showbiz News Online Update

JESSY MENDIOLA NAGSALITA SA MGA CONTENTCREATORS NA GUMAGAMIT NG PUNTOD NI RICO YAN PARA SA KANILANG?

Makaraan ngang mag Viral ulit ang Puntod ng Dating aktor na si Rico Yan ay marami na ngang mga vloggers ang bumibisita at nag papapicture at yung iba naman kumukuha ng Video.

Ang lahat ng ito ay pinuna ni Jessy Mendiola na ginagamit nga ang puntod ng yumaong child aktor at dating kasintahan ni Claudine Baretto na si Rico Yan bilang bahagi ng kanilang content sa social media.

Aniya pa ni Jessy, tila nawawala na ang pagrespeto at decency ng ilang content creator lalo na kapag nakakakuha ito ng maraming “likes” at “views” ang pinag-uusapan makakuha lang ito ng Videos ng Puntod ni Rico Yan.

Ayon pa Kay Jessy Mendiola “Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumao. Susme. Lahat na lang ba para sa likes, followers, and views?” ang madiing salita ni Jessy sa kanyang post.

Idinagdag pa nga nya na, “Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto’. Wala nang decency,” pinapakita ang kanyang pagkadismaya sa kung paano naaapektuhan ng social media culture ang pangkalahatang pag-uugali ng mga tao.

At dahil nga dito tila nagka roon tuloy ng mga diskusyon online, kung saan maraming netizens ang sumang-ayon sa kanyang pananaw, habang ang iba ay nagpahayag ng kanilang mga opinyon sa kalayaan sa paglikha ng content.

Ang isyung ito ay muling nagpaalala sa publiko ng kahalagahan ng paggalang sa mga yumaong tao at kanilang mga pamilya, lalo na sa mga publikong platform tulad ng social media.

Si Rico Yan, na pumanaw noong Marso 29, 2002, dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Puerto Princesa City, Palawan, ay patuloy na ginugunita ng marami bilang isang mahusay na aktor at mahal na personalidad sa Philippine entertainment industry. Ang kanyang maagang pagkamatay ay naging malaking balita at nagdulot ng malawakang kalungkutan sa kanyang mga tagahanga at kaibigan sa showbiz.

Ang pagdalaw sa kanyang puntod ay itinuturing ng marami bilang isang paraan ng pagpapakita ng respeto at pag-alala sa kanyang kontribusyon, ngunit ang paggawa nito bilang bahagi ng isang social media content ay maaaring ituring na hindi angkop at walang sensitibidad, ayon na rin sa mga pahayag ni Jessy Mendiola.

Writer: Admin