Showbiz News

Showbiz News Online Update

LALAKI SA ZAMBOANGA DEL SUR, NAGKA AMNESIA ISANG ARAW PAGKATPOS MAIKASAL SA KANYANG MISIS, PAANO?

Kakaibang kwento nina Loaren “Beng” Campaner at Abel Jan Campaner mula sa Pitogo, Zamboanga del Sur. Isang Araw kasi pagkatapos ng kanilang kasal ay naka limutan na umano sya ng kanyang mister.

Alamin kung bakit?

Nagkakilala noong 2015 sina Beng at Jan sa pinagtatrabahuhang restaurant. Naging sila noong Abril 2017. At nitong Mayo 18, 2024, nag-isang dibdib ang dalawang magkasintahan.

Gayunman, sinubok agad ang kanilang buhay mag-asawa, dahil isang araw matapos ang kasal, hindi na maalala ni Jan ang kaniyang asawa, mga anak, at maging ang nangyaring kasalan.

Matapos daw ang kasal, hindi nagkasundo umano si Beng, tiyahin niya, at biyenan niyang babae na naging dahilan kung bakit sinaktan ni Jan ang kaniyang sarili.

Kwento ni Beng, inuntog daw ni Jan ang ulo sa sahig. Maya-maya raw ay nanigas na ito at tumirik ang mata. Agad naman nilang isinugod ang mister sa ospital.

Sa panayam ng KMJS sa isang eksperto, nagkaroon ng Retrograde Amnesia si Jan. Ang naturang sakit ay ang kawalan ng kakayahang maalala ang “recent memories” kung kaya’t hindi makilala ni Jan angkaniyang asawa, mga anak, at ang pangyayari bago mangyari ang traumatic brain injury.

Bukod dito, na-diagnose rin si Jan na mayroong Depression.

Dagdag pa ng eksperto, may pag-asa naman daw na bumalik ang memorya ni Jan.

Samantala, bumalik sina Beng at Jan kung saan sila ikinasal. Isinadula nila ang paglalakad ni Beng patungo sa altar.

Ayon kay Jan, hindi man malinaw ang memoryang iyon pero ramdam niyang nangyari na raw ‘yon sa kaniya kaya rin siya naluluha habang naglalakad ang kaniyang misis.

Matapos ang ilang linggong medikasyon at matiyagang pakikipag-usap ni Beng, unti-unti na raw nakakaalala si Jan, kahit na hirap pa rin siyang maalala ang mga pangyayari sa nakalipas na mga buwan.

Kung may isang bagay raw na hindi makalilimutan si Jan, iyon daw ay ang pagmamahal ng kaniyang misis sa kaniya.

“Akala ko ‘pag kinasal na ‘yung tao, doon na bubuhos ‘yung lahat ng blessings.

Hindi ko kasi lubos maisip, ‘yung mismong kasal namin na dapat ‘yung pinaka-importanteng bagay na dumating sa buhay namin, bigla na lang nawala sa mga alaala niya.

Tulala na lang talaga siya ngayon.

Tumingin lang siya sa akin, ni hindi niya ako makilala.

Tapos lumapit po ‘yung bunsong anak namin, ‘yung kalaro niya palagi.

Sabi niya, ‘Papa, Papa,’.

Ki-niss siya tapos tinulak ng asawa ko ‘yung anak ko.

Sabi ko, ‘Lord, Bakit umabot sa punto na ganito?’

Pina-frame ko pa ‘yung picture namin sa kasal.

‘Yun ‘yung paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na, ‘Kinasal na tayo. Ito ‘yung suot mo, dito tayo kinasal sa simbahan’

Sabi ko, ‘Magkaparehas tayo ng singsing.’

Sobrang mahal ko ‘yung asawa kahit hindi niya ako maalala.

Gagawa po at gagawa ako ng paraan para maalala niya ako.

Hindi talaga ako bibitaw sa kanya.”

Writer! Admin